Balita

Oil price hike: Full tank n’yo na!

- Bella Gamotea

Panibagong taas- presyo sa petrolyo ang nakatakdan­g ipatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Posibleng tumaas ng 60 hanggang 70 sentimos ang kada litro ng kerosene, 40-50 sentimos sa diesel, at 30-40 sentimos naman sa gasolina.

Ang nagbabadya­ng dagdag presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdig­ang pamilihan.

Sa oras na ipatupad, ito na ang ikalawang bugso ng oil price hike ngayong buwan.

Hulyo 3 nang nagdagdag ng 70 sentimos sa kada litro ng kerosene, 65 sentimos sa gasolina, at 55 sentimos sa diesel.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines