Balita

Hustisya, giit ng pamilya Halili

- Martin A. Sadongdong at Lyka Manalo

Nananatili­ng mailap ang hustisya para sa pamilya ng pinaslang na si Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili, kahit na nailibing na ang alkalde kahapon.

Karamihan ay nakasuot ng dilaw at puti, nagsama- sama ang pamilya, mga kaanak, mga kaibigan, at constituen­ts ng 72anyos na alkalde sa paghihimla­y sa huli sa Loyola Memorial Gardens malapit sa Tanauan City Hall. Inilibing siya bandang 3:00 ng hapon.

Nauna rito, nagsagawa ng “Walk for Justice” solidarity march ang mga taga-Tanauan simula sa Plaza Mabini, na dinaluhan ng daan- daang katao.

Bitbit ang mga placard na nasusulata­n ng “Justice for Mayor Halili”, nagkakaisa ang mamamayan ng Tanauan City sa panawagan sa mga awtoridad na pabilisin ang pagresolba sa kaso ng pamamaslan­g sa alkalde.

Kumapal pa ang mga taong nakiisa sa martsa nang dumaan ito sa bahay ni Halili sa Josefa Village sa Barangay Sambat, hanggang sa Saint John the Evangelist Parish Church dakong 8:00 ng umaga, para sa misa.

Dinala ang labi ni Halili sa Tanauan City Hall bandang tanghali para sa public viewing at necrologic­al service bago ang libing.

Nilinaw naman ni Joey Balba, presidente ng Barangay Secretarie­s League, na ang dilaw na kulay ng kanilang damit ay walang kinalaman sa pulitika, kundi dahil ito ang paboritong kulay ni Halili.

“This is non political color, yellow was the favorite color of our mayor,” ani Balba.

Samantala, hindi pa rin tukoy ng pulisya ang bumaril sa alkalde nitong Hulyo 2, bagamat iniimbesti­gahan na nila ang tatlong persons of interest, at dalawa sa mga ito ay may kaugnayan sa ilegal na droga.

“We cannot divulge right now [ identity of persons of interest] because we are still on the process of getting evidences,” sabi ni Police Regional Office (PRO)-4A Director Chief Supt. Edward Carranza. “When we say person of interest, it is where the focus of our investigat­ion lies so it will be very premature if we release informatio­n about them.”

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang pamilya Halili kaugnay ng hindi pagpunta ni Pangulong Duterte sa burol o sa libing ng alkalde, bagamat ilang beses itong inimbitaha­n ng pamilya para linawin ang mga alegasyon laban sa pinatay na opisyal.

Una nang mariing itinanggi ng pamilya ang pagkakasan­gkot ni Halili sa ilegal na droga, matapos itong mapabilang sa narco- list ni Pangulong Duterte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines