Balita

Pagbubukas ng Boracay sa Oktubre, tuloy

- Ellalyn De Vera-Ruiz

Minamadali na ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) ang rehabilita­syon ng isla ng Boracay sa Aklan sa loob ng anim na buwan.

Ito ang sinabi ni DENR Secretary Roy Cimatu, bilang tugon sa lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabin­g 64 na porsiyento ng mga Pilipino ang pabor sa isang taong pagsasara upang ganap na maibalik ang ganda ng isla.

Ayon kay Cimatu, simula ng isara ang isla dalawang buwan na ang nakalilipa­s ay sinisikap ng multiagenc­y task force, na pinamumunu­an ng DENR, ang target nitong makumpleto ang rehabilita­syon ng Boracay.

Kumpiyansa rin si Cimatu na muling mabubuksan ng pamahalaan ang Boracay para sa turista sa Oktubre ngayong taon, gaya ng itinakda.

Kaugnay ng rehabilita­syon, hinikayat ni Department of Agricultur­e (DA) Secretary Emmanuel Piñol ang mga miyembro ng tribung Ati sa Barangay Manoc-manoc sa isla na paunlarin ang kanilang 2.1 ektaryang ancestral domain at gawin itong isang agri-tourist site.

Una nang nangako si Piñol ng P2milyon tulong pinansiyal para sa mga katutubo at samahan ng kababaihan sa Boracay, sa pamamagita­n ng Survival Recovery credit program sa ilalim ng Agricultur­al Credit Policy Council ng DA.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines