Balita

Challenge ni Digong, sinagot ni ‘God’

- Ni Myca Cielo M. Fernandez Martin A. Sadongdong

‘Tila may kumasa sa hamon ni Pangulong Duterte.

Sinagot ng parody account na GOD @TheTweetOf­God ang hamon ni Pangulong Duterte kamakailan na kapag napatunaya­n ng mga Katoliko na buhay ang Diyos ay kaagad siyang magbibitiw sa puwesto.

Ilang oras makaraang bitawan ng Presidente ang kanyang hamon ay nag-tweet ang @TheTweetOf­God: “Here I am, Now go, Bastard”.

Ang nasabing tweet ay umani na ng 31,000 likes at 7,100 retweets.

Nitong Biyernes ay muling nagpahayag ng pagkondena sa Simbahang Katoliko at Kristiyani­smo ang Pangulo sa kanyang naging talumpati para sa pagbubukas ng National Science and Technology Week (NSTW) sa Mindanao, na ginanap sa Davao City.

Sa kanyang talumpati, hinamon niya ang sinuman na ipakita sa kanya ang selfie kasama ang Diyos upang patunayan na buhay ito, at pagkatapos ay bababa na siya sa kanyang puwesto.

“You do that today, one single witness, that there is a guy, a human being was able to talk and to see God. Of the so many billions na dumaan, I just need one. And if there is one, ladies and gentlemen, I will announce my resignatio­n immediatel­y,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaa­ng una nang inulan ng komento at pagbatikos ang Pangulo ng sabihin nitong “stupid” ang Diyos mula sa konsepto ng “original sin” na mababasa sa Bibliya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines