Balita

Retiradong sundalo, tiklo sa pamamaril

- Kate Louise Javier

Arestado ang isang retiradong miyembro ng Philippine Navy ( PN) nang barilin nito ang kanyang kapitbahay sa Caloocan City, nitong Sabado ng hapon.

Nakakulong sa Caloocan City police heaquarter­s si Danilo Pendel, 55, ng Lourdes Street, Barangay 27 ng naturang lungsod.

Isinugod naman sa ospital si Jayson Borja, 39, na tinamaan ng bala sa binti.

Sa imbestigas­yon, naglalaro ng basketball si Borja sa nasabing lugar nang dumating ang suspek at sinigawan siya nito ng, “Tinatawag kita ayaw mong lumapit, papatayin kita!” at bumunot pagbunot ng baril at siya ay pinaputuka­n, bandang 4:30 ng hapon.

Nang hindi matamaan, sumugod ang biktima at inagawa ang baril ang suspek at tuluyang nabaril si Borja.

Nasamsam kay Pendel ang isang caliber .45 pistol na kargado ng mga bala at limang basyo nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines