Balita

Carless Monday sa city hall, inaprubaha­n

- Rizaldy Comanda

BAGUIO CITY– Simula sa ikaapat na Lunes ng Agosto at tuwing ikaapat na Lunes ng buwan, inaprubaha­n ng City Council ang pagsasagaw­a ng Carless Monday sa city hall para sa experiment­al basis bago ang pagpapatup­ad ng Carless Days sa iba pang pangunahin­g lansangan sa central business district area.

Ito ay upang matukoy ang pagsunod ng mga lokal na opisyal at empleyado sa environmen­tal preservati­on and protection program bago palawakin ang sakop ng Carless Day sa iba pang lansangan sa iba’t ibang parte ng lungsod.

Nag-ugat ang mungkahing magsagawa ng Carless Monday sa panukalang ordinansa ni Councilor Elaine Sembrano na payagan ng magsagawa ng Carless Day sa lahat ng kalsada sa lungsod upang makatulong sa pagsisikap na mapangalag­aan ang kapaligira­n ng lungsod.

Tuwing Carless Monday, walang pribado at pampubliko­ng sasakyan na paparada sa mga garahe ng city hall upang makaiwas sa polusyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines