SK kagawad tiklo sa buy-bust
Arestado ang isang SK kagawad dahil sa umano’y operasyon nito sa ilegal na droga sa P. Gomez Street, Barangay 23, Laoag City.
Sa ulat ng Ilocos Norte Provincial Police, hindi pinayagang makapagpiyansa ang suspek na si Charles Bryan Angel Aliga, 21, SK kagawad sa Bgy. 49-B Raraburan, Laoag City.
Nagsagawa ang Laoag Police ng buy-bust operation sa Bgy. 23, Laoag City nitong linggo, bandang 5:10 ng hapon.
Sa ngayon, inaalam na ng awtoridad ang halaga ng nasamsam na ilegal na droga mula sa suspek.
Kakasuhan si Aliga ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).