Balita

6 NPA sumuko sa NE

- Light A. Nolasco

CARRANGLAN, Nueva Ecija - Anim na hinihinala­ng miyembro ng Communist Party of the Philippine­s-New People's Army (CPP-NPA) ang boluntaryo­ng sumuko sa mga tauhan ng Northern Luzon Command (NOLCOM) sa Barangay San Agustin sa bayang ito, nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay Army Lt. Col. Isagani Nato, NOLCOM informatio­n officer, lima sa anim na NPA ay regular na miyembro habang ang isa naman ay miyembro ng Militiang Bayan.

Sa ngayon ay hindi muna pinangalan­an ang mga rebelde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines