Balita

Apat na bahay naabo sa short circuit

- Leandro Alborote

SAN JOSE, Tarlac – Dahil sa short circuit, apat na bahay ang naabo sa Barangay Pao, San Jose, Tarlac, nitong Biyernes ng hatinggabi.

Sa report ni SPO1 Arham Mablay, kabilang sa mga nasunugan sina Recto Lacandusa, 40; Mario Camacho, 35; Domindador Lacandusa, 33; at Lilia Mendoza, 52, ng Bgy. Pao, San Jose, Tarlac.

Napag-alaman na nagsimula ang apoy sa bahay ni Lacandusa. Hindi umano nasilip ni Lacandusa ang linya ng kuryente at nagkaroon ng short circuit hanggang sumiklab ang kanyang bahay at nadamay ang tatlong katabing bahay.

Walang iniulat na nasaktan sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines