Balita

Tricycle kumalas, pamilya duguan

- Leandro Alborote

CAPAS, Tarlac - Nagtamo ng sugat sa iba't ibang parte ng katawan ang tricycle driver at dalawang sakay nito nang matanggal ang sidecar ng tricycle sa Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Jerson Velasco, 33, driver ng tricycle (CB- 18037); asawa niyang si Liezel, 33; at anak nilang si Jasmin, 1, pawang ng Sitio Landing, Bgy. Sta. Lucia, Capas, Tarlac.

Sa imbestigas­yon, sakay ang mga biktima sa tricycle at binabaybay ang silangang bahagi ng Bgy. Sta. Lucia, Capas, Tarlac nang matanggal ang sidecar nito hanggang bumangga sa punongkaho­y, bandang 11:15 ng umaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines