Balita

Lolo natagpuang patay sa kalsada

- Liezle Basa Iñigo

MANAOAG, Pangasinan - Isang bangkay ng matandang lalaki ang natagpuan sa kalsada ng Barangay Tebuel dito, kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Samuel Samson, 71, ng Bgy. Tebuel. Siya ay bangkay na nang matagpuan matapos umanong hindi umuwi sa kanilang bahay, dakong 10:00 ng gabi.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines