Balita

Paghati sa Aklan, pinagtibay

- Bert de Guzman

Pinagtibay ng Kamara sa pangatlo at pinal na psagbasa ang House Bill 7522, na naglalayon­g hatiin sa dalawang distrito ang Aklan.

Layunin ng panukala ni Rep. Carlito Marquez na mapabuti ang representa­syon ng lalawigan at mapalakas ang serbisyo ng gobyerno para sa mga Aklanons.

Batay sa panukala, ang Unang Distrito (First Legislativ­e District) ay binubuo ng bayan ng Altavas, Balete, Banga, Kalibo, New Washington, Libacao, at Madalang.

Ang Ikalawang Distrito (Second Legislativ­e District) ay binubuo ng Buruanga, Ibajay, Lezo, Makato, Malay, Malinao, Nabas, Numancia, at Tangalan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines