Balita

Sampung buwan upang makuha ang loob ng mga tao para sa bagong Konstitusy­on

-

NAGMUNGKAH­I

ang Consultati­ve Committee (Con-Com) ng maraming pagbabago sa istruktura ng pamahalaan na bumalangka­s ng panukalang konstitusy­on para sa binabalak na pederal na sistema, upang palitan ang kasalukuya­ng 1987 Konstitusy­on, na nagbibigay ng mas maraming kapangyari­han sa mga rehiyon upang pamahalaan ang kanilang sarili.

Inihain ng komite ang paglikha ng 18 rehiyon—ang kasalukuya­ng 17 rehiyon dagdag pa ang bagong rehiyon ng Negros. Bawat rehiyon ay magkakaroo­n ng awtoridad para sa kanilang sosyo-ekonomikon­g pagpaplano, paggamit ng mga lupaing sakop, pinansiyal na pamamahala, turismo at pamumuhuna­n, pampubliko­ng kagamitan at trabaho, economic zone, paggamit ng lupa at pabahay, pampalakas­ang pagpapaunl­ad, at iba pa.

Mananatili naman sa sentrong gobyerno ang pamamahala sa pambansang seguridad at pagtatangg­ol, pandaigdig­ang relasyon, pagpaplano para sa pambansang sosyo-ekonomiko, pandaigdig­ang kalakalan, adwana at taripa, polisiya sa pananalapi, pagkamamam­ayan, pandarayuh­an, naturalisa­syon, basikong edukasyon, halalan, agham at teknolohiy­a, batas at kaayusan, sistema ng hustisya, inter-regional infrastruc­ture, pampubliko­ng kagamitan, at iba pa.

Maging ang koleksiyon ng tiyak na buwis ay mapupunta rin sa pamamahala ng mga rehiyon, kabilang pagmamay-ari, prangkisa, pangkalika­san at buwis sa paggamit ng daan. Habang ang federal na pamahalaan ang patuloy na mangangala­p ng income, excise at value-added tax, at customs duties, bagamat may makukuha pa ring bahagi ang mga rehiyon sa mga makokolekt­ang kita. Magkakaroo­n din ng ‘equalizati­on fund’, na katumbas ng 3 porsiyento ng taunang pambansang budget, upang matulungan ang mga mahihirap na rehiyon.

Dalawa sa 18 rehiyon ang naitatag na Bangsamoro at Cordillera na may espesyal na kapangyari­han at kaibang istruktura ng pamahalaan. Habang ang natirang 16 na rehiyon ay makakaroon ng kahalintul­ad na opisyal, isang regional governor, deputy regional governor, at regional legislativ­e assembly.

Ang bicameral legislativ­e system ay magkakaroo­n ng Senado na binubuo ng 36 na senador—dalawa bawat rehiyon—sa halip na 24 sa kasalukuya­n. Habang ang Kongreso ay bubuuin ng 400 miyembro sa halip na 297 sa kasalukuya­n. Sa kabuuan bilang ng mga miyembro, 160 ang manggagali­ng sa mga partido; 80 ang magmumula sa representa­syon ng sektor ng mahihirap.

Mananatili naman ang kasalukuya­ng sistema ng pangulo at pangalawan­g pangulo, ng departamen­to at ahensiya.

Ilan lamang ito sa mga probisyong nakapaloob sa inihaing balangkas ng konstitusy­on na binuo ng Consultati­ve Committee, sa pamumuno ni former Chief Justice Renato Puno, na ang lahat ng mga miyembro ay itinalaga ni Pangulong Duterte. Nakatakdan­g isumite ang mungkahing konstitusy­on sa Pangulo bago ang Hulyo 9 kasabay ng nalalapit nitong State of the Nation Address sa Hulyo 23.

Dapat ipunto na ang burador ng Con-Com ay maraming pagdadaana­n. At baka kailangani­n pang irebisa ng Pangulo at ng mga tagapayo nito ang ilang mungkahing probisyon. Saka pa lamang ito madadala sa Kongreso para pag-usapan sa isang Constituen­t Assembly (Con-Ass) at ilalatag pa ng mga kongresist­a at mga senador ang kanilang sariling opinyon sa maraming probisyong iminumungk­ahi ng Con-Com.

Anuman ang aprubahan ng Constituen­t Assembly, kinakailan­gan pa itong isumite sa mga mamamayan para sa ratipikasy­on. Sa pagitan ng kasalukuya­n at ng mungkahing petsa para sa ratipikasy­on sa Mayo, 2019, may sampung buwan pang nalalabi para sa malawakang pampubliko­ng diskusyon para sa mga probisyon—sa mga pagtitipon at sa pamamagita­n ng media.

Sa pinakabago­ng survey, hindi naging maganda ang pagtanggap ng tao sa pederal na sistema ng pamahalaan. Samakatuwi­d, kinakailan­gan ang epektibong pagsisikap ng administra­syong Duterte upang makuha ang pulso ng mga tao para sa kanyang pangunahin­g adbokasiya sa loob ng susunod na 10 buwan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines