Balita

Andrea sanay nang bina-bash dahil kay Alden

- Nitz Miralles

SA second teaser ng Victor

Magtanggol, napanood na si Andrea Torres, at gaya ng bidang si Alden Richards, nakacostum­e rin ang aktres, at ‘tila nakikipagl­aban.

Nabanggit na ang role ni Andrea, pero bawal pang isulat , kaya hintayin na lang natin ang announceme­nt ng GMA-7.

Sa ngayon, may mga namba-bash na kay Andrea dahil kasama siya ni Alden sa Victor

Magtanggol, pero deadma ang aktres at focused lang sa trabaho.

Hindi na rin sinagot ni Andrea ang tanong kung kay Alden ang kamay na nakita sa bathtub scene niya.

May gumawa pa nga ng kuwento na laging magkadikit sina Alden at Andrea sa taping at nagkukulon­g pa raw sa tent, bukod pa sa nakita pa raw na nagbibihis, na parang may gustong palabasin.

Kaso, walang naniniwala sa tsikang ito at pinagtataw­anan lang ng mga nakabasa at tiyak na pagtatawan­an ng production. Nakapunta na ba ng taping ang source ng tsismis na ito at nakita na ang tent na ginagawang standy area ng mga artista? Open ‘yun, walang kandado at madalas, share ng tent ang mga artista. Anyway, napanood din sa second teaser si Coney Reyes, na umaming kaya niya tinanggap

ang Victor Magtanggol ay para makatrabah­o si Alden. May eksena na rin ang child star na si Yuan “Pao Pao” Francisco, at si Pancho Magno.

Marami pang makakasama si Alden, inuunti-unti lang ang pagpapakil­ala sa kanila hanggang sa premiere ng fantaserye this July. Matutuwa at magugulat kayo sa iba pang kasama sa cast.

 ??  ?? Alden at Andrea
Alden at Andrea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines