Balita

Concert ni Lea, wish ng fans

- Nitz Miralles

IBA

talaga ‘pag si Lea Salonga ang nagpo-post.

Kamakailan ay number 40 lang ang ipinost niya sa Instagram, pero alam na kaagad ng followers niya na concert ang gusto niyang tukuyin. Nagkagulo na kaagad ang fans at followers ni Lea, at excited na silang muling mapanood sa concert ang singer-actress.

Ang sumunod na post ni Lea ay may number 40 pa rin, pero may kasama nang litrato niya. Lalong naniwala ang mga nakabasa na concert talaga ang gustong tukuyin ni Lea, kahit wala pa siyang ibinigay na detalye. Pati mga taga- showbiz ay excited na, at hinihintay na ang announceme­ntkungkail­anatkung saan gagawin ang 40 concert ni Lea. Dahil 47 years old na si Lea, obvious na hindi edad niya ang title ng kanyang concert. Mas tama sigurong 40 years na siya sa showbiz. Ang isa pang hinihintay ng fans ni Lea ay ang matagal nang inaabangan­g reunion movie niya kay Aga Muhlach. Nagtambal ang dalawa sa mga pelikulang Sana Maulit Muli at Bakit Labis Kitang Mahal noong 1990s.

 ??  ?? Lea
Lea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines