Balita

Bing Loyzaga, pinagiinga­t ang co-stars

- Nora V. Calderon

Ni NE years na rin pala mula nang matapos ang Paano Ba ang Mangarap sa GMA 7, na kinabilang­an ni Bing Loyzaga, kasama sina Jennylyn Mercado at Mark Herras. Lumipat siya ng network pagkatapos noon at ngayon ay balik-Kapuso Network siya para naman sa Kapag Nahati Ang Puso, at makakasama niya rito ang nagbabalik-Kapuso ring si Sunshine Cruz.

Tinanong namin sa kanya kung bakit niya tinanggap ang offer ng GMA 7 at sabi niya, “Nabakante ako after ng last soap ko sa ABS-CBN, tamang-tama naman dumating ang offer ng GMA na hindi ko mahindian.

“Na-miss ko kasi ang role na ito. Nang i-offer nila ang role akala ko mabait na nanay ako ni Bea Binene. Pero hindi pala, may bed scene agad ako at mas bruha ang character ko. Nakita ba ninyo sa trailer na nanlilisik ang mga mata ko habang nagagalit ako kay Bea, marami pang ganoon!”

Batay sa trailer, magiging mortal enemy rin sila ni Sunshine, at parehas na famous fashion designer ang character nila.

“Kaya abangan ninyo ang mga confrontat­ion scenes namin, mga pasabog. Kaya nag- warning na ako sa mga makakaekse­na ko na kapag ganoong confrontat­ional ang scene, I go with my emotions, ang mga kamay ko lumilipad kung saan-saan kaya ingat ka dahil baka tamaan ka nito.”

Dalaga na at may work na ang mga anak nila ni Janno Gibbs, kaya ang napagtutuu­an niya ng pansin ngayon ay ang pamangkin niyang si Diego Loyzaga, na anak ng kapatid niyang si Teresa Loyzaga. Alam daw niya ang issues na kinasasang­kutan ng aktor ngayon. “Napansin kong madalas siya sa social media kaya wala akong magawa kundi ang mapagsabih­an siya, na ingatan niya ang pagpo-post sa social media, iwasan din niyang sagutin ang mga bashers para hindi mag-reflect sa kanyang character. Mabait at respectful naman si Diego, misunderst­ood lamang siya, at minsan, nabibigyan ng maling interpreta­tions ng ibang netizens.”

Sa direksyon ni Gil Tejada, sa Lunes, Hulyo 16, ganap na 11:30 ng umaga na mapapanood ang Kapag Nahati ang Puso.

Tampok din sa ang magulong at salasalabi­t na buhay nina nina Zoren Legaspi, na asawa ni Bing, at siyang tunay na tatay ni Bea. Anak si Bea ni Sunshine, at tunay niya itong ina. Boyfriend naman ni Bea si

Benjamin Alves, na lihim na karelasyon din ni Sunshine. Sino kaya ang magpaparay­a sa kanilang dalawa?

 ??  ?? Bing
Bing

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines