Balita

Richard at Jodi, susubukin ang relasyon

-

ISANG

araw pa lang ang pagiging mag-boyfriend at girlfriend nina Martin ( Richard Yap) at Mona ( Jodi Sta. Maria) pero matinding LQ na kaagad ang kanilang hinaharap sa Sana Dalawa Ang Puso.

Ma tapo s magkaamina­n sa kanilang nararamdam­an para sa isa’t isa, agad namang hahamunin ng isang malaking dagok ang kanilang relasyon lalo pa at madadamay dito ang pamilya ni Mona.

Ito ay matapos malaman ni Mona na nabili ng kumpanya ni Martin ang Tagpuan, ang gusaling nagsilbi nang tahanan ng pamilya ng dalaga at nakatakda itong gibain dahil sa napipinton­g pagpapatay­o ng resort dito.

Sinubukang gawan ni Martin ng solusyon ang problema, ngunit mainit at tensyonado ang naging sunod na pagkikita ng “mag-hon” dahil nangyari ito sa kalagitnaa­n mismo ng paggiba sa Tagpuan.

Hindi lang ang pagkawala ng kanilang tirahan ang kailangan nilang harapin dahil dadagdag pa sa gulo ang biglaang pagpanaw ni Mommyla ( Pilita Corales).

Kakayanin kaya ng bagong magkarelas­yon ang pagsubok na ito at ang mga susunod pang trahedya na kanilang haharapin?

Abangan ang mga susunod na pangyayari sa Sana Dalawa Ang Puso arawaraw bago mag- It’s Showtime sa ABS-CBN.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines