Balita

Mike at Mel, nominado sa Animo Media Choice Award

-

MAGLULUNSA­D

ang De La Salle Dasmariñas Alumni Associatio­n, Incorporat­ed ng kanilang first ever “Animo Media Choice Award” sa Hulyo 21. Nominado sa nasabing awarding rites ang ilang Kapuso anchors at shows sa iba’t ibang mga kategorya.

Sa ilalim ng Television Category, nominado ang GMA Network para sa Best TV Station. Samantala, ang mga shows naman na 24 Oras, SAKSI at SONA ay kabilang sa mga nominado para sa Best News Program on TV. Nominado rin sina

Mike Enriquez at Arnold Clavio sa Male News Anchor on TV at sina Jessica Soho, Pia Arcangel, Mel Tiangco at Vicky Morales para sa Female News Anchor on TV.

Sa Radio Category naman ay nominado ang

Barangay LS FM 97.1 sa Best FM Radio Station. Nominado din sina Papa

Dudut at Mama Belle para sa Male and Female DJ on FM Station. Ang SAKSI sa Dobol B at Dobol A sa Dobol B ay kabilang sa mga nominado sa Best AM Radio Program.

Lastly, ang mga anchors na sina Arnold Clavio, Mike Enriquez at Ali Sotto ay nominado sa Male and Female News Anchor on AM Radio Station. Congratula­tions sa inyong nomination­s, mga Kapuso!

 ??  ?? Mike
Mike

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines