Balita

LGBT community, aktibo sa Wimby

-

LONDON (AP) — Umaasa si Alison Van Uytvanck na ang matika sniyang kampanya sa Wimbledon ay magbibigay ng panibagong kumpiyansa sa mga batang lesbian.

Hataw ang Belgian, nitong Marso ay umaaming may relasyon sa kapawa babae, tungo sa 6-2, 6-3 panalo kontra Anett Kontaveit nitong Sabado (Linggo sa Manila) para makausad sa fourth round ng women’s singles ng Wimbledon.

Ang 47th-ranked na si Van Uytvanck ay nakalaro lamang sa opening match sa mga nakalipas na main- draw appearance­s sa Wimbledon, nguinit nagparamda­m ng kahandaan ngayon nang gapiin si defending champion Garbine Muguruza sa second round nitong Huwebes.

“I didn’t come out because I wanted to be a role model,” pahayag ni Van Uytvanck. “I’m just happy that I could hopefully get younger people to have confidence to just come out.”

Ang kanyang ka-liverin na si Greet Minnen ay isa ring Belgian tennis player ang ranked 546th sa world.

“We’re a good team,” sambit ni Van Uytvanck. “She’s also a tennis player. ... So it’s really good she understand­s the game.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines