Balita

Dave Peñalosa, nagwagi vs Indonesian

- Gilbert Espeña

Nagpakita ng kagila-gilalas na lakas at husay sa boksing si Dave Peñalosa para mapatigil sa 2nd round si Indonesian journeyman Ricky Manufoe sa kanyang pagbabalik sa ibabaw ng ring kamakalawa sa Bohol Wisdom School Gym sa Tagbilaran City, Bohol.

Unang napabagsak sa 1st round ng anak ni two-division world titlist Dodie Boy Penalosa na si Dave si Manufoe bago muling napagulong nang tatlong beses sa 2nd round kaya itigil na

referee Nic Banal ang sagupaan.

Napaganda ni Dave ang kanyang rekord sa perpektong 13 panalo na may 9 na kanockouts at susunod na ilalaban ng kanyang tiyuhing si two- division world champion Gerry Penalosa sa world ranked contender para pumasok sa world rankings.

Nagwagi rin ang pinsan ni Dave na si Carlo Espinosa sa 5th round knockout sa isa pang Indonesian na si Iwan Key.

Itinigil ni referee Angelito Piquero ang laban sa 5th round nang hindi na makabangon si Key kaya ibinigay kay Carlo ang panalo eksaktong 1:20 sa nasabing yugto ng sagupaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines