Balita

Bedans at Batang Baste, ‘nalo sa NCAA

- Marivic Awitan

NANINDIGAN ang San Beda sa krusyal na sandal para makuha ang 67-65 panalo kontra sa matikas na Perpetual Help nitong Sabado sa pagbubukas ng 94th NCAA basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Nanguna si Robert Bolick sa natipang 15 puntos, kabilang ang walong free throw sa krusyal na segundo ng final period, habang kumana sina Jayvee Mocon at last year’s Finals MVP Donald Tankoua ng 14 at 12 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

“The first game is always the toughest because of the euphoria and the jitters,” pahayag ni San Beda coach Boyet Fernandez.

Taliwas sa inaasahan, matikas na nakihamok ang Altas at nagawang makipagsab­ayan sa defending champion mual simula hanggang sa huling tikada ng laro.

“I need more practice,” pahayag ni Bolick, patungkol s amasamang 11-of-14 field goal.

Ikinatuwa naman ng bagong coach ng Perpetual Help na si Frankie Lim, nangasiwa sa apat na kampeonato ng San Beda may isang dekada na angnakalil­ipas, sa impresibon­g ipinamalas ng Altas.

“I told my players that playing against coach Frankie is tough,” sambit ni Fernandez.

Samantala, pinangunah­an ni NCAA president Anthony Tamayo ng Perpetual Help ang opening ceremony na pinatingka­d ng makulay na production number ng Perpetual cheering squad.

Sa ikalawang larom, nanaig ang Lyceum of the Philippine­s, sa pangunguna ni Cameroonia­n Mike Nzeusseu, kontra San Sebastian, 85-80.

Hataw si Nzeusseu sa naiskor na game-high 23 puntos at 20 rebounds.

 ?? RIO DELUVIO ?? MAAKSIYON ang opening game sa pagitan ng San Sebastian at Lyceum of the Philippine­s sa NCAA men’s basketball.
RIO DELUVIO MAAKSIYON ang opening game sa pagitan ng San Sebastian at Lyceum of the Philippine­s sa NCAA men’s basketball.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines