Balita

Pinoy Kayaker, sumagwan ng 2 ginto sa Asian tilt

- Marivic Awitan

NAGWAGI ng dalawang gintong medalya ang Philippine Canoe- Kayak Dragonboat Federation men’s national team upang tumapos na katabla ng Singapore sa pamumuno sa idinaos na 5th Asian Dragon Boat Championsh­ips noong Sabado sa Dali Bai Autonomous prefecture,sa Yunnan Province ng China.

Sumunod naman sa kanila ang host team na nagwagi sa mixed 200 meters kasama ng Myanmar na namayani naman sa mixed 500 meters.

Mahigit 200 mga paddlers mula sa walong mga bansa sa Asia ang lumahok sa nasabing event.

Ayon sa post ni nationalI coach Leonora Escollante, umani ang ating men’s team

ng gold sa 200 at 500 meters matapos ungusan ang koponan ng Thailand ng 2.25 at 2.48 segundo sa mga nabanggit na events ayon sa pagkakasun­od. .

Nagwagi naman ang Singapore sa women’s 200m at 500m, makaraang ungusan ang China at India ayon sa pagkakasun­od.

Nakahulagp­os ang dapat sana’y ikalawang gold ng China matapos silang singitan ng Myanmar na nakalamang sa kanila ng. 96 ng isang segundo sa finals ng mixed 500 meters.

Ang Asian Championsh­ips na ginanap sa China sa unang pagkakatao­n ay idinaraos dalawang beses sa isang taon ng Asian Canoe Federation.

 ??  ?? UTAK LANG! Sumesenyas si Robert Bolick sa kanyang kasangga habang isinasagaw­a ang play ng San Beda laban sa Perpetual sa NCAA men’s basketball sa MOA Arena.
UTAK LANG! Sumesenyas si Robert Bolick sa kanyang kasangga habang isinasagaw­a ang play ng San Beda laban sa Perpetual sa NCAA men’s basketball sa MOA Arena.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines