Balita

Himbing na pulis, ginising ng sermon

- Orly L. Barcala

Sugatan ang isang pulisBasil­an, gayundin ang kanyang kaibigan, makaraan silang pagbabaril­in ng riding- intandem sa Caloocan City, nitong Linggo ng gabi.

Parehong ginagamot sa ospital sina PO1 Allan Nocom, 43, nakatalaga sa Basilan Police Provincial Office; at kaibigan niyang nakilala lamang bilang “Dodong”, kapwa residente ng Barangay 117 ng lungsod.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng pulisya, bandang 8: 00 ng gabi at nagkukuwen­tuhan ang mga biktima nang biglang sumulpot ang dalawang lalaking magkaangka­s sa motorsiklo at pinaputuka­n ang magkaibiga­n.

Tinamaan sa katawan ang pulis habang nabaril naman sa paa ang kanyang kaibigan.

Kaagad na tumakas ang mga suspek nang maglabasan ang mga taong nakarinig ng sunud-sunod na putok.

Ayon kay Supt. Ferdie Del Rosario, Assistant Chief of Police for Administra­tion ( ACOPA), nagsasagaw­a na sila ng followup operation para mabatid ang motibo ng pananamban­g, na ayon sa imbestigas­yon ay si PO1 Nocom talaga ang target.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines