Balita

Justin, ikakasal na

-

MAGPAPAKAS­AL na si Justin Bieber! Engaged na si Justin sa modelong si

Hailey Baldwin, na naging karelasyon niya sa loob ng isang buwan, makaraan niyang mag-propose dito nitong Linggo, ayon sa media reports.

Nag-propse ang 24 na taong gulang na Canadian heartthrob, na mas nakilala sa dahil sa kanyang off-stage antics, sa 21 taong gulang nang mag-dinner sila nitong Sabado ng gabi sa isang restaurant sa The Bahamas, iniulat ng celebrity news site na TMZ.

Ayon sa mga saksi sa restaurant, inutusan umano ng security team ni Justin ang mga kasabay nilang kumakain sa restaurant na huwag kuhanan ng litrato ang couple.

Hindi naman agad nagbigay ng komento ang kinatawan ni Justin ngunit sinabi ng mga kamag-anak nila na totoo ang balita.

“Proud is an understate­ment! Excited for the next chapter!” post ng tatay ng singer, si

Jeremy Bieber, sa kanyang Instagram, kasama ang litrato nilang mag-ama. Nag-tweet naman ang kanyang ina, si

Pattie Mallette, ng: “Love Love Love Love Love Love Love.”

Si Hailey ay isang modelo na minsan na ring gumanap sa small acting roles, anak ng The Usual Suspects actor na si Stephen Baldwin at pamangkin ni Alec Baldwin, ang 30 Rock star at nemesis impersonat­or ni US President Donald Trump. Ang ina naman ni Hailey ay tubong Brazil.

Ilang popular na babae rin ang nakarelasy­on n Justin, kabilang ang kapwa pop singer na si Selena Gomez at modelong si Sofia Richie. Una siyang namataang kasama si Hailey noong isang buwan.

Isa ring top- selling pop star, naging laman si Justin ng mga tabloid dahil sa mga insidenten­g kanyang kinasangku­tan kabilang ang pagkikipag­karera sa Miami at pambabato ng itlog sa kanyang kapitbahay sa Los Angeles.

Biglaan din niyang itinigil ang kanyang global tour noong nakaraang taon matapos ang mahigit 150 shows, dahil tinatangka niya umanong labanan at sugpuin ang kanyang insecuriti­es.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines