Balita

Brexit minister nagbitiw

-

LONDON (AFP) – Nagbitiw ang Brexit minister ng Britain na si David Davis nitong Linggo, naging malaking dagok para kay Prime Minister Theresa May na nahihirapa­ng mapagkaisa ang kanyang partido sa planong manatiling matatag ang relasyon sa ekonomiya sa European Union pagkatapos kumalas sa samahan.

Dalawang araw lamang matapos aprubahan ng nag-aaway-away na grupo sa cabinet ni May ang planong isulong na maalis ang harang sa mga negosasyon sa Brussels, ipinahayag ng long-time euroscepti­c na si Davis na bababa na siya sa puwesto sa isang liham na tinutuligs­a ang kasunduan.

‘’The general direction of policy will leave us in at best a weak negotiatin­g position, and possibly an inescapabl­e one,’’ isiniulat niya kay May.

‘’I do not agree with your characteri­sation of the policy we agreed…,’’ sagot ni May. ‘’I would like to thank you warmly for everything you have done over the past two years as Secretary of State to shape our departure from the EU.’’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines