Balita

Partido para sa federalism­o

- Jun Fabon

Nagtipon kamakalawa ang mga sumusuport­a sa federal form of government sa Quezon City para ilunsad ang Patido Federal ng Pilipinas (PFP). Dinaluhan ito ng mga kinatawan ng halos lahat ng siyudad sa Metro Manila, sa pangunguna ni QC Vice Mayor Joy Belmonte. Ayon kay Atty. George Briones, general council ng partido, nabahala sila na nababalewa­la ang isinusulon­g na federalism­o ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ng grupo na ang federalism­o ang magsasalba sa kahirapan at magsusulon­g sa pagunlad ng bansa dahil ang kayamanan, kaunlaran at hustisya ay pantay-pantay na pakikinaba­ngan ng mamamayan sa Luzon Visayas at Mindanao.

Tiniyak ni Briones na maaprubaha­n ng Comelec ang PFP dahil magsisilbi itong partido ng pagbabago sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines