Balita

Bagitong parak, naaktuhang tulog

- Aaron B. Recuenco

Nasa alanganing sitwasyon ngayon ang isang bagitong pulis, makaraang mahuling natutulog sa loob ng Police Community Precinct sa Valenzuela City sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) laban sa pagtulog habang naka-duty.

Mismong si National Capital Region Police Office NCRPO, Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang nakahuli sa natutulog na si PO1 Gary Garcia, ng Marulas Police Community Precinct.

“He will be subjected to precharge evaluation,” pahayag ni Eleazar.

Matagal nang nagpapaala­la ang pamunuan ng NCRPO sa mga pulis na huwag nang subukang matulog habang nakaduty dahil na rin sa pagkalat ng mga larawan at video ng mga tulog na pulis sa social media na nagiging sanhi umano ng kritisismo at mga nakakatawa­ng meme.

Sinabi ni Eleazar na wala na umanong rason ang mga pulis para matulog, dahil doble na ang itinaas ng suweldo ng mga ito simula nitong Enero.

 ?? JUN RYAN ARAÑAS ?? PUPUNGAS-PUNGAS Sinasabon ni NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang isang pulis-Valenzuela na nahuli niyang natutulog habang naka-duty nitong Linggo.
JUN RYAN ARAÑAS PUPUNGAS-PUNGAS Sinasabon ni NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang isang pulis-Valenzuela na nahuli niyang natutulog habang naka-duty nitong Linggo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines