Balita

Kawatan nahulog sa puno, dinakma

- Mary Ann Santiago

Timbog ang isang lalaki na hinihinala­ng kawatan na nagtangka umanong pumasok sa isang bahay sa Barangay Tañong, Marikina City, matapos na mahulog sa inakyat niyang puno ng niyog dahil sa pagmamadal­ing makatakas, nitong Linggo ng tanghali.

Mahaharap sa kasong trespass to dwelling si Juel Duterte, nasa hustong gulang, bunsod ng reklamo ni Erlinda Piad, cook.

Batay sa ulat ng Marikina City Police, dakong 12:30 ng tanghali nang mangyari ang insidente sa bahay ni Piad sa Loyola Grand Villas, sa Bgy. Tañong.

Umakyat umano ng puno sa niyog si Duterte upang pasukin ang ikalawang palapag ng bahay ni Piad, ngunit masuwerten­g naaktuhan siya ng ginang, na kaagad na nagsisigaw upang humingi ng tulong.

Sa pagkataran­ta ng suspek at pagnanais na kaagad na makatakas, nahulog siya sa puno at bumagsak sa bakanteng lote.

Nasugatan na siya ay naaresto pa ng mga guwardiya ng Loyola Grand Villas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines