Balita

Rookie cop, binaril ng kabaro

- Tara Yap

Patayangis­angbagiton­gpulisnang­barilin ito ng kanyang kabaro sa gitna ng kanilang pagtatalo sa loob mismo ng headquarte­rs sa Janiuay, Iloilo, nitong Linggo ng gabi.

Sa report ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), nakilala ang biktima na si PO1 Melchor Casiple Jr., tubong Pulupandan, Negros Occidental, na kaagad na nasawi dahil sa tama ng bala sa katawan.

Hawak na ng mga tauhan ni Police Regional Office (PRO)-6 director, Chief Supt. John Bulalacao, ang suspek na si PO1 Christian Kenneth Sennon, tubong Iloilo City.

Ayon kay Bulalacao, ang insidente ay naganap sa loob ng headquarte­rs ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB)602nd Company sa Guadalupe.

Nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang dalawa nang mag-inuman ang mga ito ilang oras bago ang insidente.

Natuklasan ng pulisya na ginamit ni Sennon ang kanyang service firearm upang maisagawa ang krimen.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Bulalaco na iimbestiga­han nila nang husto ang insidente at inihahanda na ang kasong kriminal at administra­tibo laban kay Sennon, na nadiskubre­ng nauna nang nasuspindi sa isa pang kasong kinasasang­kutan nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines