Balita

Edukado, disiplinad­ong mga tanod sa Orani

- Mar T. Supnad

ORANI, Bataan – Nais ng isang bagong halal na barangay chairman ng Orani, Bataan na armasan ng sapat na kaalaman at disiplina ang kanyang mga tanod upang mapagsilbi­han nang maayos ang kanilang lugar.

Nakaagaw ng atensiyon ng mga mamamahaya­g ang nasabing panukala ni Barangay Mulawin Chairman Marvin Dela Cruz dahil ito ang unang pagkakatao­n na sasailalim sa special training ang mga tauhan ng barangay peacekeepi­ng action team (BPAT).

Sinabi ni Dela Cruz na gusto niyang may sapat na kaalaman sa batas ang kanyang mga tanod sa pagtiyak sa seguridad ng Bgy. Mulawin, gaya ng mga pulis at iba pang nagpapatup­ad ng batas sa bansa.

Aniya, ang mga tanod ng Bgy. Mulawin ay sumailalim sa limang-araw na pagsasanay tungkol sa basics ng Anti-Violence Against Women and Children Act (Republic Act 9262), ng tungkulin ng Scene of the Crime Operation First Responders, ng Special Protection Against Child Abuse (RA 7610), ng Exploitati­on and Discrimina­tion; ng Correspond­ence and Report Writing; ng Comprehens­ive Dangerous Drugs Act (RA 9165), at ng Barangay Drug Clearing Operations and Physical Conditioni­ng.

Nabatid na kabilang sa mga nagsagawa ng pagsasanay sa mga tanod sina Balanga Police Chief, Supt. Byron Allatog; Scene of the Crime Operations (SOCO), Bataan Provincial Crime Laboratory chief, Chief Insp. Ailyn Perez; PO2 Reynaldo Viray; PO2 Jobelle Hugo; at SPO1 Francis Francisco.

Isang matagumpay at respetadon­g negosyante sa trucking at hauling industry, walang kalaban si Dela Cruz nang kumandidat­o nitong Mayo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines