Balita

Jail guard habambuhay kulong sa droga

- Rizaldy Comanda

BAGUIO CITY – Dalawang habambuhay na pagkakibil­anggo ang inihatol ng korte laban sa isang jail guard na nahuli sa pagbebenta ng shabu sa buy-bust operation sa Baguio City Police Office noong Setyembre 2017.

Isang habambuhay na pagkakulon­g sa pag-iingat ng anim na gramo ng shabu, at isa pang habambuhay sa pagbebenta ng 1.43 gramo ng shabu ang inihatol ni Judge Emmanuel Cacho Rasing, ng Branch 3, Regional Trial Court, Baguio City, sa kanyang desisyon ng Hunyo 20, laban kay SJO1 Donald Tauli Kelly Jr., 49 anyos.

Si Kelly, ng Barangay Ucab, Itogon, Benguet, at dating nakatalaga sa Itogon Municipal Jail, ay nalaglag sa bitag ng pulisya noong Setyembre 3, 2017 sa may Upper Session Road, dahil sa pagbebenta ng droga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines