Balita

Region 1 naghahanda sa bagyo

- Liezle Basa Iñigo

DAGUPAN CITY - Pinayuhan kahapon ng Office of Civil Defense (OCD)-Region 1 ang publiko na maging handa sa magiging epekto ng habagat sa Northern Luzon, na maaaring idulot ng bagyong ‘Gardo’.

Ayon kay Mechito Castro, OCD regional director, nagsasagaw­a na ng emergency preparedne­ss response meeting ang Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, at Ilocos Sur kaugnay ng kalamidad.

Ang bawat Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ( PDRRMO) ay magpapaala­la sa mga komunidad tungkol sa identified critical areas.

Hinikayat din ang malawakang alerto at monitoring ng mga lokal na pamahalaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines