Balita

3 pa sa Abu Sayyaf, sumuko sa Basilan

- Nonoy E. Lacson

ZAMBOANGA CITY - Sumuko sa militar ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Lamitan City sa Basilan, nitong Sabado.

Paliwanag ni Joint Task Force-Basilan (JTF-Basilan) commander Col. Fernando Reyeg, ang tatlong bandido ay sumuko sa 3rd Scout Ranger Battalion, na pinamumunu­an ni Lt. Col. Montano Almodovar, dakong 6:00 ng umaga.

Isinagawa, aniya, ang pagsuko sa tulong na rin ng mga opisyal ng Akbar, Basilan na kinabibila­ngan nina Akbar Vice Mayor Ali Sali, Councilor Abdul Halik Yusop, Barangay Upper Sinangkapa­n Chairman Nuruddin Hasirin, at Basilan Provincial Board Member Faisal Salih.

Nag-o-operate aniya ng mga bandido sa pamumuno ng ASG sub-leader na si Masud Tanajalin, alyas “Abu Talha”, na napatay na ng militar, kamakailan.

Kabilang sa tatlo sina Samir Laarin, 33; Ramil Mobarak, 33; at Naim Majid, 31, ng Upper Sinangkapa­n, Akbar, Basilan.

Isinuko rin nila ang isang M16 armalite rifle, dalawang Garand rifle, at iba’t ibang bala ng baril.

Kabuuang 123 bandido na ang nagbalik-loob sa pamahalaan mula EneroHulyo ng taon.

“This is a result of our continuing close collaborat­ion with the LGU officials to convince these ASGs to lay down their arms,” pagdidiin pa nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines