Balita

4 timbog sa buy-bust

- Leandro Alborote

MONCADA, Tarlac - Puspusan ang isinasagaw­ang operasyon ng awtoridad laban sa droga, at apat na namang drug pusher ang nalambat sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Poblacion 1, Moncada, Tarlac, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ni SPO1 Romulus Ramos ang mga inaresto na sina Diomenes Bunal, Jr., 38, ng Bgy. Poblacion; Arielle Mallorca, 25, ng Burgos; Christian Jorlan Lazaro, 22, ng Alma Ville Subd., Bgy. Camangaan; at Kristian Alvienn Munez, 31, ng Bgy. Banaoang West, Moncada, Tarlac.

Tig-iisang transparen­t plastic sachet na naglalaman ng suspected shabu at dried marijuana leaves ang nasamsam sa mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines