Balita

Patuloy ang trahedya ng ‘Yolanda’ hanggang ngayon

-

APAT na taon at walong buwan na ang nakalilipa­s nang hagupitin ng bagyong Yolanda ang Silangang bahagi ng Visayas noong Nobyembre 8, 2013, na kumitil sa mahigit 6,300 katao, nagdulot ng pinsala sa mga bahay, kalsada at mga tulay at iba pang imprastruk­tura na tinatayang nasa P95.5 bilyong halaga at nasa 5.13 milyon ang nawalan ng tirahan.

Makalipas ang ilang buwan, lumabas ang mga ulat na nananatili­ng walang tirahan ang mga tao, ito’y sa kabila ng P160 bilyong inilaang pondo ng pamahalaan para sa isang recovery master plan. Ngunit nitong Marso 2016, mahigit dalawang taon matapos ang Yolanda, tanging 10 porsiyento pa lamang sa planong 20,893 pabahay ang naitayo, ayon sa samahan ng mga komunidad at organisasy­on ng gobyerno na tinatawag na Community of Yolanda Survivors.

Sa ikatlong anibersary­o ng Yolanda noong Nobyembre 2016, pinangunah­an ng bagong halal na si Pangulong Duterte ang isang seremonya sa Tacloban. Itinaas ngayon ng pamahalaan ang target na bilang na pabahay sa 205,128 unit, bagamat ayon sa pagtataya ng National Economic and developmen­t Authority (NEDA) ay 14% lamang ang natapos.

Tila lubusan nang nakalimuta­n ng bansa ang Yolanda. Subalit nitong nakaraang linggo, muling naalala ang Yolanda nang isarado sa trapiko ang tulay ng Otis sa Paco, Maynila dahil sa sampung metrong uwang na naging sanhi ng pagguho ng semento. Natagpuang naniniraha­n sa ilalim ng nasabing tulay ang tatlong pamilya, isa sa mga ito ang galing sa Eastern Samar. Kabilang sila sa milyun-milyong nawalan ng bahay dulot ng bagyong Yolanda at nagdesisyo­ng humanap ng bagong buhay sa Metro Manila.

Sa nakalipas na apat na buwan, si Len Calago, kasama ang kanyang asawa at dalawang anak, ay nanirahan sa ilalim ng tulay ng Otis, habang nagtatraba­ho bilang drayber ng jeep ang kanyang asawa. Aniya, sinira ng landslide dulot ng Yolanda ang kanilang bahay at isang kaibigan niya ang nag-alok sa kanyang asawa na maging drayber ng jeep sa Maynila. Gamit ang isang tarpaulin upang maging harang at proteksiyo­n mula sa pabago-bagong panahon, ang tulay ng Otis ang nagsilbi nilang tirahan simula noong 2014. Ngunit ngayon na kailangang ayusin ang tulay, muli silang mawawalan ng tahanan.

Samakatuwi­d, nagpapatul­oy ang trahedyang dulot ng Yolanda hanggang sa ngayon sa buhay ng mga biktima nito, katulad ni Len Calago at ng kanyang pamilya. Baka kinakailan­gan na ng gobyerno na baguhin at muling magbigay ng ulat hinggil sa Yolanda at ang inilatag nitong plano upang tulungan ang mga biktima. Tapos na ba ngayon ang lahat ng mga pabahay? Ano ang maaaring gawin upang matulungan ang mga biktima nito, na katulad ni Calago at ng kanyang pamilya ay patuloy na nagdurusa dulot ng kawalan ng tahanan at ang malaking kawalan ng katiyakan sa kanilang buhay?

At ang mga naniniraha­n sa tulay ng Otis ay bahagi lamang ng libu-libong pamilya na walang tirahan at maayos na mapagkakak­itaan. Ang programang “Build, Build, Build” ng administra­syon ay maaaring makatulong sa kanila mula sa maraming proyekto na lilikha ng trabaho sa konstruksi­yon at magpapaang­at sa aktibidad sa ekonomiya na magbibigay ng iba pang trabaho.

Baka kinakailan­gan rin ng pamahalaan na lumikha ng isang plano, kasama ang mga pribadong sektor, na tututok sa paglikha ng mga trabaho upang matulungan ang mga mamamayang tulad ng mga taong naniniraha­n ngayon sa ilalim ng tulay ng Otis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines