Balita

Kikay-Mikay, endorsers na rin

- Mercy Lejarde

NAGKAROON ng contract signing last weekend ang bagets duo na sina KikayMikay, bilang endorser ng Erase Perfume Lotion ni Mr. Louie Razon Gamboa.

Bakit nga ba sina Kikay- Mikay ang napili ni Mr. Louie para mag-endorse ng dalawang produkto ng kanyang kumpanya? “Unang-una hindi naman kaila sa inyo na na parang advocacy ko na ang tumulong sa mga bata at sila naman ay mina-manage ni Anne

Venancio. Malaki ang tiwala ko na lahat ng hinahawaka­n niyang talents na kabataan ay talagang unang-una, magagaling, mababait, may future, saka maganda ‘yung ginagabaya­n ng mga magulang. So confident ako na ‘pag si Anne ang may hawak ay hindi ako nagdadalaw­ang-isip,” paliwanag sa amin ni Mr. Louie.

“To be honest with you, hindi ko naman nasubaybay­an ang mga careers nila. But since sinabi sa akin ni Anne na ‘ninong, magagaling ‘yang mga batang ‘yan, mababait ‘yan, may future ‘yang mga ‘yan’, so tinulungan ko,”

Ano naman ang naging feeling ni Mr. Louie nang ipakilala na sa kanya sina Kikay-Mikay? Kumanta at sumayaw ang dalawang dating cast members ng Goin Bulilit sa harap niya.

“Feeling millennial na rin. Ha, ha, ha. Talagang bumabalik na rin sa pagka (bata). Ha, ha, ha. Sige, feeling millennial na rin,” aniya.

“At saka alam mo, itong mga batang ito, usung-uso ang itsura nila ngayon na tipong KPop ang dating. So, I believe napapanaho­n sila, plus kung maaalagaan nang husto, mabibigyan ng direksiyon, madidisipl­ina, palagay ko malayo ang mararating ng dalawang bagets na ito.”

Well, wish lang namin na ngayong nasa awkward age na itong sina Kikay-Mikay, na tipong hindi na puwedeng pang- Goin Bulilit, sana ay maging another Jilian Ward in the making sila pagsapit nila sa tween age. Ganyan lang talaga ang kalakaran sa buhay showbiz, sabi nga, ang mga artista hindi lang napapalita­n kundi nadadagdag­an pa. Pak, ganern! ‘Yun na!

 ?? Kikay at Mikay ??
Kikay at Mikay

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines