Nag-aakusa sa Canadian PM, lumantad
BINASAG na ng dating journalist ang kanyang pananahimik nang manindigan siya nitong Biyernes, at isiwalat ang kanyang akusasyon laban kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau na umano’y nanghipo sa kanya, lb dalawang dekada na ang nakalipas, nang hindi pa ito pumapasok sa pulitika.
“I issue this statement reluctantly, in response to mounting media pressure to confirm that I was the reporter who was the subject of the Open Eyes editorial, published in the Creston Valley Advance in August of 2000,” sabi ni Rose Knight, ang babaeng nag-akusa kay Trudeau, sa isang pahayag sa Canadian Broadcasting Corporation (CBC).
Tinutukoy niya ang original Canadian report ng alegasyon, kung saan humingi ng paumanhin si Trudeau, noon ay 28 taong gulang pa lamang at hindi pa nasasangkot sa pulitika, sa kanya isang araw makaraang mangyari ang umano’y panghihipo.
Sa nasabing istorya, sinabi umano ni Trudeau na, “I would never have been so forward” kung alam niyang reporter ang babae.
“The incident referred to in the editorial did occur, as reported. Mr Trudeau did apologize the next day. I did not pursue the incident at the time and will not be pursuing the incident further. I have had no subsequent contact with Mr Trudeau, before or after he became prime minister,” sabi ni Knight.
Hindi na magbibigay ng komento si Rose tungkol sa isyu, ayon sa CBC.
Lumabasangstatement isang araw matapos depensahan ng declared feminist na si Trudeau ang kanyang sarili sa mga alegasyon na umano’y hinipuan niya ang isang journalist sa isang music festival sa western city ng Creston, British Columbia noong 2000. “I do not feel that I acted inappropriately in any way, but I respect the fact that someone else might have experienced that differently,” pahayag ni Trudeau.
Tinanong si Trudeau kung nais niyang magbukas ng imbestigasyon hinggil sa isyu, dahil sa zero tolerance policy ng kanyang partido sa sexual assault.
Hindi niya sinagot nang diretso ang tanong, ngunit paulit-ulit niyang sinabi na naniniwala siyang wala siyang inasal na masama.
Ipinagdiinan din ni Trudeau na “it’s not just one side that matters” sa ganitong klase ng kaso at hindi dapat na ungkatin pa ng publiko ang isyung ito.