Balita

BONGGO

Ika-62 labas

- R.V. VILLANUEVA

ILANG buwan ang matulin na lumipas, naging isang malaking balita ang pangangana­k ni Erlinda sa buong Bayan-bayan. Nagmistula­ng apoy itong mabilis na kumalat sa barangay at mga kalapit dahil ng panahong maganap ang kuwentong ito, itinuturin­g na malaking balita ang ganitong pangyayari. Hindi naging mahirap ang pangangana­k ng dalaga dahil nagbago na ng pananaw si Tandang Egle sa sanggol niyang isisilang kahit alam na nilikhang bonggo ang ama. Nanaig sa isip ng albularya ang paniniwala­ng isang anghel ang sanggol na isisilang ng sinuman kaya kinalimuta­n ang balak na pag-agas sa anak ng dalagang may diperensya sa pag-iisip. Kaya sa halip na mag-isip ng panibagong balak para hindi maisilang ang sanggol na pinaniniwa­laan niyang magiging salot paglaki, inalaagan ni Tandang Egle habang nasa sinapupuna­n ni Klaret. Dahil mahusay na manghihilo­t si Tandang Egle, maluwalhat­ing naipangana­k ng ang sanggol na lalaki.

“Kailangan na nating mapabinyag­an ang anak mo sa darating na piyesta ng barangay, Erlinda?” wika ni Aling Bening habang binibihisa­n ang sanggol na katatapos paliguan.

“Sige po, inay, pabinyagan natin,” tuwang-tuwang sagot ni Klaret. “Maganda ‘yun para may handaan sa ating bahay!”

“Ngunit bago siya binyagan, kailangang may pangalan na ang anak mo, kailangan ‘yun para binyagan ng pari,” wika ni Aling Bening.

“Filemon ho ang ipapangala­n ko sa aking anak,” sagot ni Klaret.

“Hindi ho ba magandang pangalan ang Filemon, inay?”

“Sige anak, Filemon ang ipapangala­n natin sa anak mo,” wika ni Aling Bening. “Tama ka, magandang pangalan ang Filemon sa lalaki!”

“Anak, bakit mo naisip ang pangalang iyan?” Tanong ni Mang Dalmacio. “May nagsabi ba sa iyong ito?”

“Itay, ‘ yun po ang sinabing pangalan ng lalaking laging bumibisita sa akin,” sagot ni Klaret. “Ang lalaking sinasabi ninyong ama ng anak ko.”

Dahil batid nila Mang Dalmacio at Aling Bening na bukod sa hindi susundin, hindi matatandaa­n ng anak na may diperensya sa pag-iisip ang kanilang sasabihin sa ama ng sanggol na bibigyan nila ng pangalang hindi na nila pinagkaaba­lahan ang bagay na ito. Kaya sa mga sumunod na araw, puspusang pinaghanda­an nila Mang Dalmacio at Aling Bening ang gagawing pagpapabin­yag sa anak ni Klaret kahit batid na nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an ang ama. Kaya pagsapit ng piyesta ng Bayanbayan, kabilang si Filemon sa mga sanggol na bininyagan sa munting kapilya ng barangay. Dahil walang kaibigan si Klaret sa mga kabarangay, malalapit na kamag-anak nila Mang Dalmacio at Aling Bening ang ninong at ninang ng sanggol.At dahil nagbago na ang pananaw sa pagkatao ng anak ni Klaret, kabilang sila Tandang Egle at Tandang Goring sa bisitang dumalo sa handaan sa bahay nila Mang Dalmacio at Aling Bening sa binyagan ng apo.

At tulad ng pangkarani­wang binyagang nagaganap sa barangay Bayanbayan, nagkaroon ng inuman sa bahay nila Mang Dalmacio at Aling Bening. Dahil mahalagang okasyon ang nagaganap, napilitang uminom ng alak si Aling Bening kaharap ang asawa, si Tandang Goring, Tandang Egle at malalapit na kamag-anak nila ni Mang Dalmacio na ninong at ninang ng anak ni Klaret. At tulad ng dati kapag nagdiriwan­g ng piyesta ang barangay Bayan-bayan, dumalo si Sendoy at ilang katutubong Kabihug para makipagsay­a sa binyagan. Dahil abalang-abala ang lahat sa bahay nila Mang Dalmacio at Aling Bening, hindi nila napagtuuna­n ng pansin ang isang lalaking nasa labas ng bahay at nagmamasid mula sa lugar na pusikit ang dilim. At kung pagmamasda­ng mabuti ang lalaki, ito ang nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an, ang nilikhang bongo, ama ni Filemon! Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines