Balita

Altalettes, nakahirit sa Cubs

-

NAKAIWAS ang Perpetual Help sa double blackeye nang gapiin ng Junior Altas ang San Beda Red Cubs, 72-69, nitong Linggo sa opening day ng 94th NCAA junior basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Pinangunah­an nina Mark Gallano at Edzel Galoy ang Las Pinas-based dribblers sa natipang tig-16 puntos para sa impresibon­g simula na bigong nakamit ng kanilang seniors team.

Kinapos ang Perpetual Altas, pinanganga­siwaan ni coach Frankie Lim, sa San Beda Red Lions, 67-65, nitong Sabado.

“The boys showed heart,” sambit ni Perpetual Help coach Michael Saguiguit.

Ito ang unang pagkakatao­n sa kasaysayan ng liga na nagwagi ang Perpetual sa San Beda sa opening day.

Mismong si Ato Badolato, coach ng Cubs sa mahabang panahon bago nagretiro bilang isang athletic director, ang nagpatotoo na walang record ng panalo ang Perpetual sa San Beda sa nakalipas na mga season.

“I can’t remember anymore, maybe in the early 90s,” aniya.

Sa ikalawang laro, nanaig ang San Sebastian Staglets sa Lyceum Baby Pirates, 69-68. Iskor: (Unang laro) Perpetual Help (72) - Gallano 16, Galoy 16, Kawamura 15, Orgo 11, Barcuma 6, Duka 3, Nunez 3, Coloma 2, Defante 0, dela Cruz 0, Lauchengco 0, Romilla 0

San Beda ( 69) - Estacio 20, Alcantara 12, Pelipel 9, Coyoca 7, Sanchez 7, Ynot 5, Talampas 5, Valencia 4, Compolente 0, Llarena 0, Oliva 0 Quartersco­res: 21- 18; 34- 33; 59-48; 72-69 (Ikalawang laro) SSC (69)- Janao 22, Balo 12, Baclaan 10, Perez 8, dela Cruz 8, Are 4, Timbancaya 3, Solatorio 2, Bonalos 0, Cortes 0, Suico 0, Austria 0

LPU (68)- Barba 27, de Leon 14, Jugar 11, Gudmalin 7, Tulabut 4, de Guia 3, Omandac 2, Caringal 0, Dejelo 0, Nocal 0, Pagdangana­n 0, Santos 0 Quartersco­res: 11- 17; 34- 42; 53-57; 69-68

 ?? UPHSD PHOTO ?? NCAA SEASON 94! Ipinagdiwa­ng ng Season 94 host Perpetual, sa pangunguna ni National Collegiate Athletic Associatio­n (NCAA) Policy Board President Anthony Moran Tamayo (gitna)ang matagumpay na opening ceremony sa masayang ‘groupie’ sa kuha ni Paul...
UPHSD PHOTO NCAA SEASON 94! Ipinagdiwa­ng ng Season 94 host Perpetual, sa pangunguna ni National Collegiate Athletic Associatio­n (NCAA) Policy Board President Anthony Moran Tamayo (gitna)ang matagumpay na opening ceremony sa masayang ‘groupie’ sa kuha ni Paul...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines