Balita

Swimming coach, inimbita ng FESSAP

- Marivic Awitan

DARATING sa bansa sa susunod na buwan ang bateranong swimming coach na si Wilfred Arzaga buhat sa Canada upang maging main guest speaker sa gaganaping Philippine National Sports Coaching Conference.

Ang event ay idaraos sa ilalim ng pamumuno ng Federation of School Sports Associatio­n of the Philippine­s (FESSAP), ang governing body na kinikilala ng FISU (Federation Internatio­nale du Sport Universita­ire) sa pakikiisa ng Philippine Aquatics Sports Coaches Associatio­n Inc. (PASCAI) at ng TYR Philippine­s.

Nakatakdan­g magsagawa ng seminar si Arzaga sa kabuuan ng kanyang pamamalagi sa Pilipinas.

Para sa lahat ng mga nagnanais na dumalo sa event maaaring makipag- ugnayan sa mga sumusunod na personalid­ad para sa kaukulang detalye: para sa mga nasa Luzon, mangyaring kumontak kay Coach Emer Matienzo (0905414072­6) para sa seminar na gaganapin sa Bosay Resort Hotel & Conference Center, sa Antipolo, sa Agosto 31-Setyembre 2, 2018.

Para naman sa Visayas at Mindanao, makipag- ugnayan lamang kay Coach Cris Pesar (0920689213­2) para sa seminar na gaganapin sa Bacolod City sa Agosto 17-19, 2018.

Maaaring dumalo sa seminar ang mga sports coaches, physical education teachers at athletes, mga magulang at iba pang sports enthusiast­s.

Kabilang sa mga tatalakayi­n sa seminar ay ang Principles of Sport Coaching;, Principles of Sport Management , Principles of Sports Behavior, Principles of Sport Teaching; at Principles of Sports in Physical Training.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines