Balita

KUMBINSING!

GAB, sumirit ang revenue collection sa magkasunod na taon

- Ni EDWIN ROLLON

TRABAHONG kalabaw ang pamunuan ng Games and Amusement Board (GAB). At tulad ng dapat asahan, unti-unting inaani ng pamahalaan ang bunga ng pagod at hirap.

Sa unang limang buwan ng kasalukuya­ng taon, sumirit sa P15,169,812.95 ang revenue ng government body para sa profession­al sports o 42% na pagtaas sa nakuhang pondo (P10,682,255.08) sa parehong haba ng panahon sa nakalipas na taon.

“GAB continues to reap the fruits of its hardwork as it continues to deliver outstandin­g performanc­e when it comes to generating more revenues for the government,” pahayag ni GAB Chairman Abraham Kahlil ‘ Baham’ Mitra sa panayam ng mga miyembro ng Tabloid Organizati­on in Philippine Sports (TOPS).

Iginiit ni Mitra na ang patuloy na paglago ng kita ng pamahalaan ay bunga nang pagsusumik­ap ng administra­syon na maireporma ang sistema at programa ng ahensiya, kabilang ang pagbibigay ng libreng medical examinatio­ns – CT scan, drug test, MRI -- para sa lahat ng profession­al Pinoy athletes.

“Because of this, licences and permits issued as of May 2018 show significan­t improvemen­t at 70% increase,” sambit ni Mitra.

“Kung noon, talagang hinahabol natin yung ating mga atleta, promoter, match- maker, organizers. Ngayon, sila na ang nagkukusan­g magpunta sa GAB at magpalisen­sya.

Ikinatuwa rin ni Mitra ang pagdami ng mga profession­al league na huminhingi ng accreditat­ion at magpasaila­lim sa regulation at supervisio­n ng GAB.

“We also introduces our on- line licensing system at the end of the year, para mas mapabilis ang pagtugon namin sa pangangail­angan ng mga atleta,” pahayag ni Mitra.

Sa comparativ­e record para sa taong 2017 at 2018, tumaas ang kita sa licenses and permits sa P10,370, 886.93 sa unang limang buwan kumpara sa P6,091.862 sa parehong panahon. Umangat din ng 3% sa P4,788,926.01 mula sa P4,175,742.69 ang share ng GAB sa TV at gate receipts, habang sumirit sa P10,000.00 ang kinita sa general administra­tion mula sa P1,650.00.

Ayon kay Mitra, bukod sa basketball at boxing, nagpasanct­ioned na rin sa GAB ang martial arts group tulad ng MMA, jiu-jutsu, entertainm­ent wrestling, three-point shooting, esports at maging ang volleyball.

Ayon kay Mitra, ang pagtaas ng revenue ng GAB ay ramdam na nitong nakalipas na taon. Tumaas ang kinita ng GAB sa P27,876,471.86 kumpara sa P17, 415, 753.29 o 60% na pagtaas kumpara sa taong 2016.

Tapik sa balikat ng GAB ang pursigidon­g pagsawata sa illegal bookies, on-line gambling at online sabong

 ?? GAB PHOTO ?? PINULONG ni GAB Chairman Abraham Kahlil ‘Baham’ Mitra ang mga miyembro ng horse racing betting supervisio­n division upang palakasin ang kampanya na masawata ang illegal betting sa mga off-track betting station.
GAB PHOTO PINULONG ni GAB Chairman Abraham Kahlil ‘Baham’ Mitra ang mga miyembro ng horse racing betting supervisio­n division upang palakasin ang kampanya na masawata ang illegal betting sa mga off-track betting station.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines