Balita

S’finals slot, target ng ROS at Aces

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 4:30 n.h. -- Rain or Shine vs Globalport 7:00 n.g. -- Magnolia vs Alaska

INAASAHANG gagamitin ng top two seeds Rain or Shine at Alaska ang taglay nilang insentibo kontra sa kanilang mga katunggali upang makamit ang unang dalawang semifinal berths sa pagpapatul­oy ngayong hapon ng 2018 PBA Commission­ers Cup quarterfin­als sa Araneta Coliseum.

Nagsimula na kahapon ang playoff round sa pamamagita­n ng dalawang pares ng best-ofthree series tampok ang third seed TNT Katropa kontra 6th seed at defending champion San Miguel Beer at ang 4th seed Meralco laban sa 5th seed Barangay Ginebra.

Taglay ng Elasto Painters at Aces ang bentaheng twice to beat matapos na makopo ang No. 1 at 2 spot, ayon sa pagkakasun­od sa pagtatapos ng eliminatio­n round.

Makakatapa­t ng ROS ang tumapos na No. 8 squad Globalport sa unang laban ganap na 4:30 ng hapon habang makakatung­gali naman ng Alaska ang 7th seed Magnolia.

Tatangkain ng dalawang top seed teams na duplikahin ang naitala nilang panalo kontra sa kani-kanilang mga katunggali sa eliminatio­ns upang pormal ng umusad sa Final Four.

Tinalo ng Elasto Painters ang Batang Pier noong nakaraang Mayo 20 sa iskor na 96-90 habang namayani naman ang Bolts kontra Kings noong Hunyo 10, 103-99.

Ang laban ang magiging ikalawang outing pa lamang para sa balik-import ng Alaska na si Diamon Simpson na pumalit kay Antonio Campbell na kinailanga­ng umuwi matapos ipatawag bilang bahagi ng Orlando Magic NBA Summer League team.

Sa kanyang unang laro, nagtala ang 30- anyos na si Simpson ng 18 puntos, 19 rebounds, 5 assists at 4 blocks sa 114-91 paggapi nila sa Phoenix upang makamit ang bentaheng twice-to-beat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines