Balita

Ina ng bata sa kotse, papanaguti­n

- Ni BETH CAMIA

Pananaguti­n ng Department of Social Welfare and Developmen­t ( DSWD) ang ina ng batang iniwan sa loob ng sasakyan sa Pasig City, kamakailan.

Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, nakakabaha­la ang nasabing pangyayari dahil maaaring ikamatay ng bata ang pag-iwan sa kanya sa loob ng saradong sasakyan.

Inimbitaha­n na ang ina ng bata sa DSWD para ito ay mapanagot.

Ayon naman sa ina ng bata, handa siyang harapin ang anumang reklamo at iginiit na wala siyang nilabag na batas.

Nag- viral sa Internet ang isang video kung saan mapapanood ang pag- iyak ng bata dahil iniwan siya ng kanyang magulang sa loob ng sasakyan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines