Balita

’Anak’ ni Jess Lapid, huli sa buy-bust

- Fer Taboy at Mary Ann Santiago

Arestado ang umano’y anak ng action star na si Jess Lapid, kapatid ni dating Senador Lito Lapid, at tatlong iba pa sa buybust operation sa Barangay Sta. Lucia, Pasig City.

Sa ulat ng Pasig City Police Station, kinilala ang mga suspek na sina Jose Maria Lapid, alyas Joey, 24, na nagpakilal­ang anak ni Jess Lapid; Frenklin Ramos, alyas Jhun, 25; Zackaria Bansil, alyas Jack, 21; at Xavier Allan Reymundo, 30 anyos.

Ayon sa awtoridad, dumulog sa kanila ang isang concerned citizen at isinumbong ang kalakaran ng ilegal na droga sa lugar.

Sa naturang operasyon, nasamsam sa mga suspek ang tatlong bungkos ng umano’y marijuana na may bigat na dalawang kilo at tinatayang nagkakahal­aga ng P60,000.

Nakumpiska rin ng awtoridad ang dalawang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana at isang pakete na naglalaman ng hinihinala­ng buto ng marijuana.

Walang inirekomen­dang piyansa para sa mga suspek para sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines