Balita

Hiling ni Digong sa Simbahan: ‘WAG BATIKUSIN SA SERMON

- Nina GENALYN D. KABILING at MARY ANN SANTIAGO

Makaraang mangako ng “moratorium” sa mga birada niya laban sa Simbahang Katoliko, nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lider ng Simbahan na iwasang gamitin ang pulpit, o ang panahon ng pagsesermo­n sa misa, upang batikusin ang kanyang administra­syon.

Nabatid na personal itong inilahad ni Duterte nang makipagpul­ong siya kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP) President Davao Archbishop Romulo Valles sa Malacañang nitong Lunes ng hapon.

“One of the things that the President did mention was given that there is separation of church and state, huwag naman sanang gamitin ang pulpito para batikusin iyong kanyang administra­syon,” sinabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque sa press conference sa Cavite.

“Tinatangga­p niya ang mga batikos, ang mga pula ng mga ordinaryon­g mamamayan. Pero kung pupuwede ay huwag sanang manggaling doon sa pulpit, at huwag manggaling sa Simbahan mismo iyong pagbabatik­os sa kanya, dahil mayroon nga tayong paghihiwal­ay ng Simbahan at ng estado,” paliwanag ni Roque.

Kaugnay nito, hinikayat nitong Lunes ng gabi ng CBCP ang mga mananampal­ataya na makiisa sa tatlong araw na pananalang­in at pag-aayuno para sa mga taong lumapastan­gan sa pangalan ng Panginoon.

Ito ay kasunod ng pagtawag ni Pangulong Duterte ng “stupid” sa Diyos, at pambabatik­os sa mga pari, kabilang ang mga pinaslang kamakailan.

Sa pastoral exhortatio­n na inilabas ng CBCP sa pagtatapos ng 117th Plenary Assembly nito noong Lunes, at pirmado ni Archbishop Valles, nabatid na isasagawa ang three day of prayer ang fasting sa Hulyo 17-19, Martes hanggang Huwebes, pagkatapos ng kapistahan ng Blessed Mother of Mt. Carmel sa Lunes.

Layunin ng pananalang­in at pag-aayuno na humingi ng habag at hustisya para sa mga taong lumapastan­gan sa banal na pangalan ng Diyos, gayundin sa kapatawara­n ng mga naniniwala na tanging pagpatay ang paraan upang masugpo ang kriminalid­ad sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines