Balita

Jolo at Jodi, kanya-kanya na

- Reggee Bonoan

NAKITA namin sa 2nd EDDYS Awards night si Cavite Vice Governor Jolo

Revilla, kasama ang mga kapatid na sina Bryan at Luigi bilang presenters, at napagalama­n niyang hindi pala naisama ang pelikulang 72

Hours sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018.

“Hindi talaga aabot sa PPP, hindi pa kasi kami tapos,” saad ni Jolo.

At kung hindi magbabago ang naunang plano ay sa Oktubre ngayong taon ipalalabas ang 72 Hours, na produced ng Imus Production­s. Ang tatlong magkakapat­id ang bida sa trilogy story.

At siyempre, kinumusta namin ang puso ng magiting na bise gobernador ng Cavite.

“Ayos naman, okay naman,” naniningki­t ang mga matang sabi sa amin.

Nagkakausa­p pa ba sila ng ex-girlfriend niyang si Jodi Sta. Maria? “Wala, hindi na,” mahinang sabi sa amin.

Umiiwas si Jolo na pag-usapan ang aktres. At sinabihan na lang kami: “Basta tatawagan kita, magkikita pa tayo.”

 ??  ??
 ??  ?? Jolo Jodi
Jolo Jodi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines