Balita

Metro Manila Shake Drill, secret muna

- Bella Gamotea

Sa hangarin na maging “mindsettin­g exercise” upang maging alerto ang publiko sa malakas na lindol, o ang pinanganga­mbahang The Big One, hindi ihahayag ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) ang eksaktong petsa ng Metro Manila Shake Drill ngayong buwan.

“Walang makakapags­abi kung kailan tatama ang lindol. Dapat ay palagi tayong handa, kaya gusto naming ianunsuiyo na unannounce­d ang shake drill,” pahayag ni MMDA General Manager Jojo Garcia.

Pangunguna­han ng MMDA at ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council ang ikaapat na shake drill, na maaaring mangyari anumang araw sa ikatlong linggo ng Hulyo.

“Hindi namin iaanunsiyo ang eksaktong petsa ng shake drill. Ipapaalam na lang ito sa publiko sa mismong araw ng drill,” ani Garcia.

Aniya, magtatagal ng tatlong araw ang drill para mapataas ang kamalayan ng publiko sa posibilida­d ng pagtama ng 7.2 magnitude na lindol.

“Gusto namin mas makatotoha­nan na shake drill,” ani Garcia.

Para naman kay Michael Salalima, ng Metro Manila Shake Drill Secretaria­t, maglalabas ng broadcast o text message ang mga telecommun­ication networks sa kanilang subscriber­s sa mismong araw ng drill.

Hinihimok naman ang mga kumpanya, simbahan, paaralan, at iba pang institusyo­n na patunugin ang kani-kanilang sirena para alertuhin ang lahat sa pag-uumpisa ng shake drill ng 3:00 ng hapon.

Magpapakal­at ang MMDA ng mga tauhan sa mga emergency operation center sa apat na quadrants sa Metro Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines