Balita

‘Pinas, may bagong Zumba world record

- Ni Robert R. Requintina

Nakapagtal­a ng bagong Guinness World Record ang Pilipinas makaraang burahin nito ang sariling record para sa pinakamala­king Zumba class.

Pinamunuan ni Ron Antonio, kasama ang 100 Zumba instructor­s, ang 13,350 sumali sa 30-minutong pagsasayaw.

Ayon kay Antonio, nakamit nitong Mayo 19 ng Camarines Sur ang bagong world record dahil sa pagsisikap ni Governor Migz Villafuert­e.

Dating hawak ng Mandaluyon­g City ang nasabing record, makaraang 12,795 katao ang sama-samang nagsayaw sa gitna ng kalsada ng lungsod noong Hulyo 2015.

Nakatakda namang ipagdiwang ni Antonio, kasama ang mga dance enthusiast sa buong bansa, ang nakamit na world record sa “Zayaw Pilipinas Victory Party” sa Philippine Internatio­nal Convention Center sa Pasay City sa Sabado, Hulyo 14.

Ang Zumba ay isang exercise fitness program na binuo ni Colombian dance at choreograp­her Alberto “Beto” Perez noong 1990.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines