Balita

R3.757- T national budget aprub kay Duterte

- Genalyn D. Kabiling

Inaprubaha­n ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang panukalang P3.757 trilyon national budget sa 2019 para tustusan ang pamumuhuna­n sa infrastruc­ture developmen­t, social services, at iba pa.

Inaasahang isusumite ang panukalang budget, mas mababa kaysa P3.767-T national budget noong nakaraang taon, sa Kongreso sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Hulyo 23.

Sinabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque na ang panukalang 2019 budget ay tinalakay at inaprubaha­n sa Cabinet meeting na ipinatawag ng Pangulo sa Malacañang nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Roque, P1.185-T ang mapupunta sa personnel services o 31.5 porsiyento ng 2019 proposed national budget.

Ang iba pang major expenses para sa susunod na taon ay ang capital outlays na may P757.7 bilyon; allotment sa local government units, P640.6-B; maintenanc­e expenditur­es, P562.9-B; debt burden, P414.1-B; suporta sa government owned and controlled corporatio­ns, P187.1-B; at tax expenditur­es, P14.5-B.

Nauna nang ipinahayag ng Department of Budget and Management (DBM) na ang 2019 national budget ay magiging annual cash-based budget para mapadali ang paghahatid ng mga programa at mapalakas ang pananaguta­n.

“This will effectivel­y limit agencies to submit budget proposals reflecting payment of goods and services that will actually be delivered for the year,” sinabi ng DBM.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines