Balita

Inuman niratrat, 2 patay

- Orly L. Barcala

Patay ang magkaibiga­n nang paulanan ng bala habang nag- iinuman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sina Khain Cell Ignacio, 18; at Jobert Cabigao, 29, dahil sa tinamong bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa report, nag- iinuman ang mga biktima at ang dalawa pa nilang kaibigang lalaki sa isang bahay sa Rivera Street, Barangay Tinajeros, Malabon City, dakong 6: 30 ng gabi.

Makalipas ang ilang minutong sunud- sunod na putok ng baril, natagpuang nakahandus­ay na sina Cabigao at Ignacio.

Ayon sa mga saksi, hindi pinangalan­an, dalawang lalaki at isang babaeng sakay sa motorsiklo ang humarurot matapos ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigas­yon sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines